Mom: baby, you're good in math. Now I'm going to ask you a question.
Baby: sure mom
Mom: if your daddy gives you 3 apples and I give you 4 apples, what's your answer?
Baby: thank you po!!!
====================================
Pare1: pare parang malalim ang iniisip mo!
Pare2: nanaginip ako kagabi kasama ko 50 contestants ng Ms. Universe
Pare1: swerte mo! ano problema mo?
Pare2: pare ako nanalo!
====================================
Sulat ni Itay
Minamahal kong anak,
Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang
magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay.
Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira
ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan
sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo
dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang
buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas
ng padlock. Nakasulat kasi ay YA! LE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay
hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay,akala
nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan
mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga
botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at
nilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi
ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor .
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon
siyang! 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng
damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung
babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong
uncle or auntie.
Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan
ako.Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso
Liner ay mga depasaherong bus, eh, yung Panty Liner bus din ba yun?
Saan ang Terminal nila?
At saka nga pala, me nag-interview sa akin
diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga
Bayan daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin ay ano raw
sa salitang english ang Kulangot.
Di ko nas! agot.... ikaw anak alam mo?
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love,
Tatay
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang
envelope. Next time na lang ha..